Awit Kay Ana

Breaking my original content rule again to celebrate one of my Philosophy Professors who was recently awarded as a “Pambansang Alagad ni Balagtas” by UMPIL. Maubuhay ka, Ginoo!

_______

AWIT KAY ANA
ni Ginoong Eddieboy Calasanz

Walang ginagawa ang mga bituin
Kundi pagmasdan ang mga mangingibig.

Isang gabi, kapag ikaw ay umiibig,
Tumingala ka sa mga bituin.
Malasin mo ang kanilang ningning,
Ligaya mo’y sinasalamin.

Mabait ang mga bituin.
Sa mga mangingibig
Isa lamang ang hiling:
Umibig, umibig, umibig
Nang may magawa ang mga bituin.

Walang ginagawa ang mga bituin
Kundi pagmasdan ang mga mangingibig.

Isang gabi, kung masawi ka sa pag-ibig
Tumingala kang muli sa mga bituin;
Pati liwanag, nagiging dilim
At tamis ng puso’y dahan-dahang umaasim.

Malupit ang mga bituin.
Sa mga bigo sa pag-ibig
Labis ang hinihiling:
Umibig, umibig, umibig pa rin
Nang may magawa ang mga bituin.

Leave a comment

101 Books

Reading my way through Time Magazine's 100 Greatest Novels since 1923 (plus Ulysses)

Ray Ferrer - Emotion on Canvas

** OFFICIAL Site of Artist Ray Ferrer **

to face the Broken World Als ich kann.

in which a law student attempts to make sense of the world, one little grain of eternity at a time.

Sachified

Beneath the nurse’s apron and soon-to-be doctor’s coat.

The Waking Life is Worth Living

It's always the paradox